An Entry Full of Cheese

On June 3, 2007, I wrote a ‘letter’ to the person who’d eventually love me someday (‘coz I’m retarded like that). It’s called “Keso”, somehow a follow up to “An Open Letter to the One I Love”. Sorry but it’s Buwan ng Wika, hence, a Tagalog entry for you.

Balang araw, may magmamahal din sa akin ng lubus-lubusan. Yun bang iiiyak niya na lang ang umaapaw na pag-ibig sa kanyang puso. Gagawan niya ako ng awitin, susulatan ng tula at titingala sa mga tala habang abot langit ang ngiti – dahil ako ang kanyang naiisip. Higit sa lahat, ipagdarasal niya ako at matimtimang papangarapin na sanay mahalin ko rin siya.

Sa gabi, ako ang bida sa kanyang panaginip. Ang aking larawan ang magiging tanging laman ng kanyang pitaka, kasama ng perang iipunin niya para sa akin. Hihintayin niya ako sa trabaho kahit na matapos ako ng alas dos ng madaling araw at hindi uuwi hanggat ako’y payapa na sa aking kama .

Ipagluluto niya ako ng maasim na sinigang at hahanapin ang mga pelikulang matagal ko nang nais mapanood. Ipipinta niya ang aking mukha, lilinisin ang barado kong lababo at paliliguan ang aming mga aso. Hindi nya rin ako patitigilin sa aking bisyo, bagkus ay sasabayan ang mga trip ko sa buhay.

Gagalangin niya ang mga magulang ko, makikipag-basketball sa kapatid ko at magmamano sa aking lola. Patatawanin niya ang aking mga kaibigan at gagawin ang lahat, masigurado lang na ako’y masaya, hindi bilang alipin, ngunit isang taong nagmamahal – ng lubus-lubusan. At ang pagmamahal na ito’y magpapasaya rin sa kanya.

Balang araw, may hahawak rin ng aking kamay at hahalik sa aking mga labi. Yayakapin niya ako nang mahigpit at ibubulong sa aking tenga na hinding hindi niya ako pababayaan. At sa gitna ng kaguluhan, kasamaan at kahirapan sa buhay, magpapasalamat siya pagkat ako’y nakilala niya at matatanto niyang may mabuti at maganda at maaliwalas pa rin pala sa mundo.

Marahil ay hindi ko pa nga siya natatagpuan pero darating ang panahong makakapag-kape rin kami, habang pinanonood si haring araw na nagiging anino ng gabi. At sa iyo, sa taong magmamahal rin sa akin balang araw, ‘wag kang mag-alala. Pagdating ng panahong mabasa ko sa iyo itong munti kong komposisyon, mahal na rin kita – ng lubus lubusan.

READ THE REST HERE.

Advertisements

16 Comments

Filed under love

16 responses to “An Entry Full of Cheese

  1. Awwww…. so happy for you!!!

  2. Rich Muhlach

    Awww, such a sweet letter. If only I could do all those things for someone, too. Probably even add a few things like:

    “Papaliguan niya ako ng asukal at tatawagin akong ‘sweetie'”.

    “Bibigyan niya ako ng mais dahil corny daw ako”.

  3. manghang mangha ako sa sulat mo…

  4. funnysexy

    @ riajose
    Salamat, teh!!!

    @ Rich Mulach
    Thanks. And of course, you can do that for someone, why not? 🙂 Wait, you like corny gals?

    @ Kulot
    Id… take that as a compliment. Salamat!

  5. Pedro

    may tao pa bang gaya nyang nasa entry mo? para namang alila. parang lang.

    Balang araw, may hahawak rin ng aking kamay at hahalik sa aking mga labi. Yayakapin niya ako nang mahigpit at ibubulong sa aking tenga na hinding hindi niya ako pababayaan.

    ang keso. ok naman. maganda, nakakaantig at mahusay.

    masarap makahanap ng ganyang tao. yung tipong, ang tingin n’ya sa’yo ay isang tula. tapos kahit hindi s’ya manunulat ay pipilitin n’yang maging makata. magaakda s’ya ng pariralang ikaw at s’ya ang paksa.

    at sa bawat titik at salita pa lang, matatanto mo ng s’ya na nga. kaso wala namang ganun. kung meron man, nasan na?

  6. Rich Muhlach

    Corny gals? Of course!

    Well maybe because I am corny myself and naghahanap lang ako ng kadamay. 😛

    And if Funny is the New Sexy then Corny is the New Funny. Ay, corny…

  7. Methinks I should comment on your adobo-related post, but I’m here. LOL

    Oh c’mon, Kring. Wake up. PLEASE. Hahahaha

  8. Love can surely make someone a poet. Haha. And good thing you’re enjoying THE moment and savoring it. I’m happy for you. 🙂

    As for me, I’m clueless of what’s going to happen in the future…

  9. oooh! your entry is soooo mushy. guys nowadays are “practical”, if he has to do all those things, maybe he will find another who is low-maintenance. he he! just being realistic.

  10. hi! can i add you to my blogroll? 🙂

  11. Men looking for low maintenance girlfriends are just looking for fuck buddies, trophies or disproving that they’re really gay. Wagi ang sasabayan nila ang trip mo, pareho kayong iinom ng Lungcare! Lol

  12. SJKRE, this is a general thread tho, regret should this be posted inapproriately… your blog has been one of my escape, i consider it as one of my theraphies… as they say laughter is the medicine… god bless (former) blockmate

  13. ahem…i happen to be fortunate to be one of the first to read “An Open Letter to the One I love”… and kring you know nga pala…everytime I would see an aircon hole or a mismatched glass window…I never fail to remember that sort of unrealized tendency in you…remember? grabe what made it more funnier was that it was not deliberate to begin with….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s